The Nurse Aide Gladys

The Nurse Aide Gladys Hi Mama, don't cry and don't be sad your kiddo loves you ❤

12/05/2026
28/04/2026

Signs of a stagnant relationship

Wala nang growth pareho pa rin ang issues ninyo months or years ago. Walang pagbabago, walang progress. Paulit-ulit na cycle: nag-aaway, nagsosorry, nagkakabalikan… tapos mauulit na naman.

Kulang na sa communication, mas nangingibabaw ang katahimikan. Magkasama pa rin kayo, pero parang strangers na sa pakiramdam. Comfort zone na lang, hindi na love. Nasanay na lang kayong magkasama, pero hindi na talaga masaya.
Wala na ring excitement. Yung dating “I miss you” napalitan na lang ng simpleng “okay.” Hindi na aligned ang mga pangarap ninyo—magkaiba na kayo ng gusto, pero pilit niyo pa ring pinapagana.

Minsan hindi na toxic, pero hindi na rin healthy.
Tandaan, ang relationship dapat may naiaambag sa growth mo. Kung wala ka nang natututunan, kung hindi ka na naggo-grow, baka mali na yung taong kasama mo.
At ang pinakamasakit—yung pakiramdam na parang kailangan mong mag-sorry just for existing. Na parang “too much” ka, kaya kinukwestyon mo ang silence nila, tono nila, at patience nila.

Hindi dahil may mali silang ginagawa,
kundi dahil natutunan mong isipin na ang paghingi ng pagmamahal ay pabigat.
At ngayon, natatakot ka…
na balang araw, marealize din nila yun.

Address

Angeles City
2009

Telephone

+639958035386

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Nurse Aide Gladys posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Nurse Aide Gladys:

Share