20/05/2026
KAMUSTA KANA? DIKA PABA BUNTIS?
Can we please stop normalizing asking couples especially those who are quietly struggling with fertility kung kailan sila magkaka-baby?
Story time: Isang high school classmate ang nag-chat sakin para mangutang. Kahit hindi kami ganoon kaclose, dahil sabi nya 'emergency,' pinahiram ko naman kasi di naman kalakihan. Ang plot twist? Walang balikan ang utang, pero nag-attempt pa mangutang ulit. Nung hindi na ako nagre-reply, bigla akong tatanungin ng, "KAMUSTA KANA? DIKA PABA BUNTIS?'
We’ve been married for 5 years. Para sa mga may PCOS or PMOS now reproductive health struggles, alam niyo kung gaano kasakit makakita ng negative lines sa pregnancy test month after month. Ginawa mo na lahat, nag-effort kayo, pero wala pa din.
Infertility is a silent, heavy grief. Ang pagkakaroon ng anak ay blessing na binibigay sa perfect timing ng Maykapal, hindi isang milestone na kailangang i-pressure sa mag-asawa para lang may mayakap na topic sa chismisan. Please, be sensitive and mind your own business. Hindi niyo alam ang silent battles na pinagdadaanan ng ibang tao para lang mabuo ang pamilya nila..