29/09/2024
Noong 19th century, halos lahat ng mga lumang larawan, ang mga taong kinunan ay parang pinag sakluban ng langit at lupa. Hindi natin mapagtanto kung ano ang pinakadahilan ngunit ilang teorya ang makakatulong sa atin na malaman kung bakit sila nakasimangot.
Isa sa pinakatinanggap na rason kung bakit hindi nakangiti ang mga tao sa mga lumang larawan ay dahil sa napakahabang oras ng exposure βang oras para makapicture ang isang camera. Kaya naman, importante na ang mga kinukunan ng camera ay nakasteady lang. Madalas, nakatikom ang bibig, dahil ang position na ito ng mukha ay mas hindi nakakapagod kesa nakangiti.
At kailangang walang gagalaw, dahil magiging blurred ang kuha nito. At dahil ang pinagmulan ng potograpiya ay naimpluwensiyang maiigi ng mga paintings, kailangan talagang huwag ngumiti.
Sa panahon ng mga sinaunang hari, mga sikat na tao, importante ang pagpapapinta ng kanilang larawan, at naging tradisyon nga ang pagpinta ng portraits ng mga tao. Sapagkat, itoβy representasyon ng panahon o era nang sila ay iginuhit.
Pinaniniwalaan din noong una, na ang pagngiti ng malaki ay ikinakabit sa pangit na pag-uugali tulad ng pagkahibang o kalandian.
Sa pag-usbong ng potograpiya, na adapt pa rin ang pagpose ng matagal sa harap ng camera kaya madalas, hindi talaga nakangiti ang kinukunan ng larawan.
Ang tradition ng portraiture ay hindi lang ginamit sa mga buhay dahil meron din palang postmortem photography.
Itoβy isang uri ng pagkuha ng larawan para sa kamamatay pa lamang na tao, bata o alagang hayop at kukuhanan ng litrato na para bagang buhay pa ang mga ito.
At kahit sa alaala na lang na makita na parang buhay pa ang mga ito, ngunit syempre hindi ito nakangiti.
At gaya nga ng sabi ko kanina, ikinabit sa pagiging hibang ang palagiang pagtawa at pagngiti sa panahon ng Victorian at Edwardian Era.
Ngunit kung hahalughugin ang mga larawan sa mga panahon mula 19th hanggang 20th century, may mga mangilang ngilan namang larawan na ngumingiti. Siguro katagalan, natanggap na sa kulturang ito ang pagngiti sa harap ng camera.