Obra Pampanga

Obra Pampanga Sining na hinabi mula sa hampas ng mga alon.

Hindi ito basta palamuti—ito’y isang piraso ng katahimikan na natutong kumislap. Hinubog sa pagitan ng tiyaga at pag-aal...
25/03/2026

Hindi ito basta palamuti—ito’y isang piraso ng katahimikan na natutong kumislap. Hinubog sa pagitan ng tiyaga at pag-aalinlangan. Ang bawat perlas ay alaala ng mga sandaling hindi kailangang ipangalandakan para maging totoo.

Nakabitin sa gilid ng pandinig, wari’y bulong: ang ganda, kapag totoo, hindi humihingi ng pansin— ito ay kusang nadarama.🌊🐚

Sa pagitan ng alon at buhangin, niyayakap ang mga kayamanang hindi ginto—kundi mga kulay na hiniram sa dagat at sa langi...
09/03/2026

Sa pagitan ng alon at buhangin, niyayakap ang mga kayamanang hindi ginto—kundi mga kulay na hiniram sa dagat at sa langit ng dapithapon.

Ang pulseras na ito ay parang bahid ng dapithapon sa dalampasigan—marahan, malambing, at may dalang kuwento ng dagat.

Tila mga lihim na iniwan ng alon sa buhangin.
Isuot mo ang munting piraso ng dagat, at dalhin mo ang kulay ng kanyang hiwaga. Tandaan mo na kahit kailan, parating rosas ang kulay ng bukas.🌷🐚

🟡 Dilaw— Kulay ng araw na hindi maramot sa liwanag. Bawat butil, parang sinag na kumakapit at pumipitik sa balat— mainit...
16/02/2026

🟡 Dilaw— Kulay ng araw na hindi maramot sa liwanag. Bawat butil, parang sinag na kumakapit at pumipitik sa balat— mainit, buhay, at totoo.

Sa gitna, kuwento ng dagat: tahimik, pero may lalim. Hindi lang ito pulseras. Isa itong paalala— maging dilaw. Maging liwanag. 🍋🔆🌟

Tara, date? 💕Ngayong Pebrero 13, 2025, samahan niyo kami  na magdiwang ng Araw ng mga Puso sa Our Lady of Fatima Univers...
12/02/2026

Tara, date? 💕

Ngayong Pebrero 13, 2025, samahan niyo kami na magdiwang ng Araw ng mga Puso sa Our Lady of Fatima University – Pampanga Campus!

Magdala ng espesyal na tao, barkada, o kahit sarili mo—dahil ang pagmamahal ay hindi lang para sa magkasintahan. May mga munting sorpresa, kilig moments, at alaala na siguradong magpapangiti sa’yo. 🌸

Available sa booth ang aming:
💎 Bracelets
✨ Necklaces
🎀 Hairclips
🌸 Brooch
📱 Phone charms
🔑 Keychains

Perfect pang-regalo sa crush, kaibigan, o kahit self-love treat mo! 🫣💌

📍 OLFU Pampanga�🕖 7:00AM – 5:00PM

Ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng OLFU Pangkat Kalikasan. Maraming salamat po!

Pa’no ba ‘yan, It’s a date ha?


Tara, Date?
09/02/2026

Tara, Date?

Tara, Date? 💕

Make your date more memorable with Obra Pampanga and Stitched by Bea’s collab ✨

Handmade finds, heartfelt gifts, and all the little things that make love extra special 🌿💖

See you this Feb. 13 at OLFU Pampanga — because every date deserves a little magic 💌

Kislap ng kabibe, hagod ng alon— isang ipit ng buhok na may dalang kwento ng dagat. 🌊🐚Sa bawat hibla, suot mo ang ganda ...
08/02/2026

Kislap ng kabibe, hagod ng alon— isang ipit ng buhok na may dalang kwento ng dagat. 🌊🐚

Sa bawat hibla, suot mo ang ganda ng baybayin.

Dalangin ng alon, kislap ng araw—sa isang kuwintas, dama mo ang kwento ng dagat.Kung hindi ka sigurado kung ano ang pipi...
12/12/2025

Dalangin ng alon, kislap ng araw—sa isang kuwintas, dama mo ang kwento ng dagat.

Kung hindi ka sigurado kung ano ang pipiliin, ito nalang kuwintas na may kapinan! 🦪🌊

Isang pulseras na may bituing-dagat sa sentro—paalala na may ningning kahit sa ilalim ng mga alon. Marupok man ang anyo,...
05/12/2025

Isang pulseras na may bituing-dagat sa sentro—paalala na may ningning kahit sa ilalim ng mga alon. Marupok man ang anyo, dito nagmumula ang tunay na halaga: ang kagandahang kailangang ingatan, hindi basta sinusuot.⭐️🌊

Hindi ka kailanman magkakamali sa pagpili ng sigay.Umorder ka na, limitado lamang ang imbentaryo!🐚🫧
30/11/2025

Hindi ka kailanman magkakamali sa pagpili ng sigay.

Umorder ka na, limitado lamang ang imbentaryo!🐚🫧

Sa ilalim ng araw at alon, isinilang ang lamang dagat na hinubog ng panahon; natatangi, matatag, at may dalang hiwaga. S...
27/11/2025

Sa ilalim ng araw at alon, isinilang ang lamang dagat na hinubog ng panahon; natatangi, matatag, at may dalang hiwaga. Sa bagsik ng alon, namumukod tangi ang ganda ng pagbangon.

Kung hinahanap mo ang simoy ng baybayin, narito kami upang ilapit sa iyo ang diwa ng dagat saatin, sa bawat hibla, bawat anyo, bawat obra.

Bukas ang aming inbox dahil tumatanggap na kami ng mga pre-order!🤍🐚

Sa bawat hampas ng alon, may ganda itong naipakikita sa pag-ahon. Nangungulila ka na ba sa dagat? Gusto mo bang ilapit n...
26/11/2025

Sa bawat hampas ng alon, may ganda itong naipakikita sa pag-ahon.

Nangungulila ka na ba sa dagat? Gusto mo bang ilapit natin ang dagat sa'yo? O kaya, isuot mo na lang!

Ibahagi at imbitahin mo na ang mga kaibigan mo dahil malapit na naming ilapit ang dagat sa inyo!

Sumabay ka rin sa paglayag namin sa Instagram: .2004 🐚🌊

Address

Mexico
2021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Obra Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share