09/09/2022
Reasons why I control my partner to drink or jam with his barkadas.
Before kc while we are girlfriend and boyfriend palang ang set up wala pa kaming baby panay ang tambay ni bf , punta sa ganto , inom doon , tambay dito , to the point na anong oras na talaga umuuwi . One day my partner asks me kung di ko raw ba siya mahal dahil di ko siya binabawalan sa mga ginagawa niya. My answer is "because Im not your wife yet , enjoy the moment na ikaw palang though jowa mo ako because when we end up together or if the time comes that we have kids na , all of that were not okay na.
So , ito na nga ang mga dahilan napahaba na ang chika ko :
1. First of all ung ibibili mo o gagastusin mo sa pag -inom e ipunin mo or idagdag pangprovide sa pamilya mo edi sana nakaka -ahon ahon tayo . Not all ha , but aminin natin most of filipinos lalo na tayong nasa laylayan mas may panahon pang uminom na halos gabi-gabi . Titipidin ang pamilya para sa bisyo .
2. Nababawasan ang oras na dapat sa pamilya mo na ilalaan . LET SAY may trabaho ka sa morning then gabi na lang ung time na makakasama mo ang pamilya mo other than day off tapos aagawin pa ng inuman session nyo . Uuwi kang lasing sabay tulog . Guys , spend more time with your family as long as u can . Nobody knows how long we'll live.
3. Iwas away . Kung alam mo naman na pag uumpisahan yan ng away niyo ng partner mo , tigil mo na yan. Choose right , piliin mo ung tao na sasamahan ka hanggang dulo . Iyang mga kasession mo sa inuman di ka sure na sasamahan ka hanggang huli or once na nagkasakit ka kaiinom e baka ni pagdalaw sa iyo e di nila magawa.
4. Maawa ka sa katawan mo . Ang katawan mo ay hindi mo lang pagmamay ari lalo na at may asawa at anak kana .
Pagod kana sa trabaho at imbis na ipahinga mo na sana ipagpupuyat mo pa at ibubuhos sa barkada . Paano kapag nagkasakit ka ??
Paano ang pamilya mo ??
Sa isip ng mga taong nakapaligid sa atin masyado natin kinokontrol ang mga partner natin or mostly they called it ina-UNDER . Its a big NO,NO,NO!!!!
Dear Partners , know your LIMiT,know your PRIORITY!!!!
Relate ba kayo mga mamsh?
Send a message to learn more