25/08/2026
🚨 PAALALA SA LAHAT NG CLIENTS 🚨
Hindi po basta-basta ang paggawa ng draft. Bawat output ay may kasamang oras, effort, creativity, at dedikasyon.
Nakakalungkot lang na may ilan na humihingi ng draft, pinapagawa hanggang ma-finalize, tapos bigla na lang nawawala — walang update, walang reply, at wala palang balak ituloy o bayaran.
Kung hindi na po itutuloy ang transaction, maging honest lang po sana at magsabi nang maayos. Isang simpleng message ay malaking respeto na sa oras at trabaho ng gumawa. 🙏
Sa mga serious at responsible clients, maraming salamat po sa tiwala at pag-value sa aming serbisyo. ❤️
Respeto sa oras. Respeto sa trabaho. Respeto sa serbisyo.