02/02/2026
https://www.facebook.com/share/p/16uu1f1ZZC/
Bago gamitin ang bagong biling LPG tank tiyakin walang tagas, maayos ang koneksiyon ng hose sa regulator at kalan.
Suriin din ang tanke gamit ang tubig na may sabon; ikabit ang regulator at i-fully open ang cylinder valve, punasan ang ilalim ng hand wheel at neckring, dapat ito ay walang lumulobong bula.
Punasan din ang welded parts ng cylinder collar, name plate, cylinder body, at bahagi ng footring ng tanke, dapat ito ay walang lumulobong bula.
Kung walang tagas o lumulobong bula GOOD yan.
Kung may tagas o lumulobong bula BAD yan agad itawag sa pinag-bilihan upang mapalitan.
Kaya importante na humingi ng RESIBO bilang katunayan. - LPG Technicians of the Philippines