04/03/2026
Spreading God's Love to Others ☝️❤️🩹
Kanina, naghahanap ako ng tahimik na spot sa Kalayaan Park para mag-drawing. Habang naglalakad, nakita ko si Lola mag-isa sa upuan, parang malungkot at malalim ang iniisip. Pasimple akong umupo sa puno malapit sa kanya, di naman naka-halata si Lola na patingin-tingin ako kasi tulala lang sya. Hindi ko mapigilan, dinrawing ko sya.🎨
Nung tinanong ko sya kung may kasama sya, sabi nya "Wala, mag-isa lang ako." Pero alam ko, may mga taong mas nag-eenjoy sa katahimikan, lalo na sa pag-tanda. Tulad ng sinabi sa Psalm 92:14, Even in old age they will still produce fruit; they will remain vital and green. 🍀
Pag-tapos ko, kinakabahan ako lumapit sa kanya at pinakita ang drawing. Bigla syang napa-smile, at dun palang, sobrang na-appreciate ko kahit di pa sya nag-thank you. Napalitan ng ngiti ang tulala at malungkot nyang mukha. Sabi sa Proverbs 15:30, A cheerful look brings joy to the heart; good news makes for good health. ❤️🩹
Totoo pala, nakakapagbigay pa rin tayo ng happiness sa iba, kahit sa simpleng paraan lang.☝️❤️🩹