20/11/2025
Yung taong bumangon mag-isa, iba ‘yung tibay niyan.
Walang backer. Walang sponsor. Walang nag-cheer sa kanya habang nasa lowest point siya.
Pero araw-araw, pinili niyang bumangon kahit walang nakakakita.
Pinili niyang maniwala kahit wala nang naniniwala sa kanya.
Yung ganung klase ng lalaki… hindi mo basta mababasag.
Kasi naranasan na niyang madurog, paulit-ulit, hanggang siya na mismo ang natutong buuin ulit sarili niya.
Hindi na siya takot mawalan, kasi galing na siya sa wala.
Hindi na siya takot masaktan, kasi sanay na siyang gawing gasolina ang sakit.
Kaya kung iniisip mong kaya mong saktan o i-down ‘yung taong sanay sa hirap, maling laban ‘yan,
Hindi mo siya kayang sirain, kasi bago mo pa siya masira…
nasira na siya ng maraming beses at nabuo siya dahil doon.
Tahimik lang ‘yang mga yan, pero alam mo kung anong meron sila?
Peace. Focus. At tapang na hindi nabibili.