01/06/2026
this is good news..
the president of Ficelco electric company has been suspended for no production of the electric company many people are made to suffer in the heat because don't have electric for appliances to keep cool.
some days is up to 12 hours with out electricity..
𝐅𝐈𝐂𝐄𝐋𝐂𝐎 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐎𝐅 𝐃𝐈𝐑𝐄𝐂𝐓𝐎𝐑𝐒, 𝐒𝐈𝐍𝐔𝐒𝐏𝐈𝐍𝐃𝐄 𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐀
Sinuspinde ng National Electrification Administration (NEA) ang pitong miyembro ng Board of Directors (BOD) ng First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. o (FICELCO).
Kinumpirma ng pamunuan ng kooperatiba na sasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang mga nasabing direktor habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ahensya.
Dumating ngayong Hunyo 1 ang apat na opisyal ng NEA sa Catanduanes at agad na nakipagpulong sa pamunuan ng FICELCO. Iginawad ang suspension order sa anim na board members na nasa lalawigan na kinabibilangan nina Atty. Raul V. Angeles, Myrna SJ. Carilimdiliman, Emma T. Bueno, Alicia F. Arcilla, Arsenia G. Bernacer, at Salvacion T. Lee habang nasa ibang bansa ang Board President na si Romeo Santos.
Pansamantalang pamamahalaan ang kooperatiba ni Atty. Jeho Eric F. Fajardo NEA-project supervisor na itinalaga mismo ng ni Almeda. Tutulungan siya ng isang executive committee na binubuo ng General Manager at mga pangunahing department heads.
Matatandaang nauna nang naglabas ang NEA ng Show Cause Order laban sa mga opisyal kaugnay ng pagpapatibay sa Board Resolution No. 87, Series of 2026.
Ang resolusyon na ito ay nag-apruba sa paggawad ng Emergency Power Supply Agreement (EPSA II) sa S.C. Megaworld Construction and Development Corporation para sa walong megawatt na contracted power supply, bilang tugon umano sa nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente sa lalawigan.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang mga sinuspindeng miyembro ng BOD hinggil sa naturang usapin. | via Rosie Nieva