08/01/2024
"pantalon" concept...
Nahihirapan ka pa din ba intindihin ang concept ng insurance? 🤯
Heto naisip kong explanation para mas maintindihan mo. 👇
Imagine meron kang P5,000 every month na sobra (after computing all expenses).
If hindi mo yan itatabi, trust me, kusa nalang yan mawawala ng parang bula. Kahit nasa online bank pa yan, isang 8.8 or 9.9 sale lang, pwede mong magalaw at magastos yan.
Pero what if, hatiin natin yung P5,000.. ilagay natin yung P3,500 for your savings or emergency fund. Mas maganda na nsa hiwalay na bank account ito na di kasama sa bank account na gamit mo pambayad ng bills and pangshopping.
Dahil di mo to nagagalaw, after a year meron ka nang P42K, at P420K nman sa 10 years, or kayang umabot ng millions in 30 years na tuloy-tuloy na paghuhulog. Congratulations pag nakaabot ka dito!
Then yung P1,500 naman for health or life insurance lalo na if mababa lang yung HMO na benefit sa iyong company.
Bakit nga ba mahalaga na meron tayong health at life insurance plan?
Kapag ba dinapuan ka ng critical illness at kailangan mo ng malaking halaga, payag ka ba na gamitin yung matagal mong pinag-ipunan?
O mas okay kung yung insurance company yung magbabayad ng medical bills mo? Mas okay to diba!?
Kagandahan pa ngayon sa mga health at insurance plans, kung di mo man sila magamit, let's say tumanda ka na di talaga nagkakasakit, meron at merong cash benefit na babalik sayo.
Parang nag-ipon ka lang din. At least, in those years na covered ka, meron kang PEACE OF MIND na kahit anong mangyari, meron at merong sasalo sayo.
Mabigat ba yung P1,500/month? Masasayang ba yung pera kung alam mo na sa Day 1 palang meron ka nang P500,000 na nakatabi for unexpected events? May mawawala ba kung alam mong after few years, parang babalik lang din yung binayad mo?
Don't feel sorry kung ngayon mo lang nalaman to.. ako din dati, akala ko dagdag gastos lang din ang health and life insurance, pero nung nalaman ko yung mga ito, aba ngayon ay 4 na yung policies ko!
Same with my clients, after a year, pag lumaki sahod nila, nagdadagdag din sila ng coverage nila.
Ayun lang.. at sana mas naging clear sayo ang concept ng insurance.
Kung gusto mo pang matuto tungkol dito, feel free to message me para mas masagot ko mga questions mo.
Tandaan, WAG MAHIHIYANG MAGTANONG!
Tere Cuenco
Your Trusted Financial Advisor