09/05/2026
Sooo much love on Mother’s Day!🤎🥰 Over 100 pcs. tote bags! Grabe kayo guys! Nakakaiyak at nakakataba ng puso!🥹🤎
Pero hindi naman para lang sa mga nanay ang Mother’s Day, para din ito sa mga tatay, titas, lolas, titos na tumayo at tumatayong nanay sa kanilang pamilya.🤎
Mahigpit na yakaaaap din sa mga mommy na nasa waiting season pa, sa mga trying to conceive at sa mga pusong nakaranas ng miscarriage.🤍 Bilang isang taong dumaan din sa ganung season, alam ko yung tahimik na sakit, yung mga “Lord kailan kaya?” moments at yung pagkapit sa faith kahit mabigat. Kaya sobrang lapit nito sa puso ko. 🥺🙏🏻
Pero sa lahat ng seasons ng buhay natin, naniniwala ako na, God sees every tear, every prayer and every waiting heart.🤎
Saludo kami sa lahat ng pusong walang sawang nagmamahal, nagsasakripisyo at patuloy lumalaban para sa pamilya.💪 At sa bawat support niyo sa small business namin, ramdam namin ang grace at pagmamahal ni Lord through all of you. 🤎 Hindi lang tote bag ang nabebenta namin, kundi memories, appreciation at regalong galing sa puso.🤎
Happy Mother’s Day sa lahat ng may pusong mapag-aruga at mapagmahal... in every form, in every season.....God bless your hearts always. 🤎