20/05/2026
Ito ako, at ang negosyong bumuhay at patuloy na bumubuhay sa pamilya ko. Sa murang edad, namulat na ako sa hirap ng buhay. Tipong pag hindi ka kumilos ngayon, mangingisay kayo sa gutom mamaya. Palagi kong naririnig ang mga salitang ito sa bibig ng mga taong angat sa buhay " baka kaya kayo mahirap kasi tamad mga magulang niyo". Nope. Ako ay saksi sa lahat ng paghihirap, pagsasakripisyo at pagbibilad sa araw ng aking mga magulang, ARAW-ARAW. Alam niyo kung anong mahirap kapag FARMER/ Magsasaka ka? Wala kang sahod araw-araw. Hindi ka araw-araw na kumikita, hindi rin tuwing 15 days o hindi rin every end of the month. Kailangan naming maghintay ng ILANG buwan bago namin malasap ang katas ng aming pinaghirapan. As a result, there are times na walang pagkaing maihain sa mesa. Sa kabila nito, kailan man ay hinding-hindi ko isisisi sa mga magulang ko kung bakit kami naghihirap. Thanks to them, lumaki ako bilang isang madiskarte at independent woman. I remember my 7 year old self na sumasama kay inay na maglako ng mga bulaklak sa kabahayan. Aalis kami ng bahay around 2:00- 3:00 A.M, IMAGINE THAT. Usually scenario namin ni mama habang naglalako kami is right hand mga bulaklak and left hand mga vegetables. Sobrang risky kasi kahit saang sulok kami pumapasok makahanap lang ng mga customer, init at ulan ang aming kalaban.
Naaalala ko 'yong batang ako na tumatakbo dala ang maraming bulaklak habang hinahabol ng mga task force kasi wala kaming permit na magtinda. Kalye-kalye lang.
Naaalala ko noong nagsimula na akong magtinda mag-isa, na hindi na kasama si mama ( 11 years old). Pumunta ako sa mga suki naming kabahayan, init ay tiniis, nangangalay na mga balikat dahil sa pagyakap sa mga bulaklak, masakit na paa dahil sa layo ng nilakad, pero pagkatapos maubos ang mga bulaklak ko? Masarap sa pakiramdam ehhh. Para akong dinuduyan sa saya habang naka-upo ako sa isang sulok at binibilang ang kabuuang kita ko sa araw na iyon. Minsan nakaka-200, minsang naman 300. Pagkatapos ay hahatiin ko na ang perang nalikom para pambili ng mga pangangailangan namin sa bahay -- bigas, isda, atbp. At proud ako sa sarili ko at sa mga kapatid ko, because we never blame our parents kung bakit kami mahirap. Tumulong kami sa abot ng aming makakaya, kahit ang kapalit noon ay ang aming pagiging "bata".
At kahit saan ako dalhin ng buhay, ako ay ako na isang tindera ng bulaklak.
Kaya naman, hanggat wala kayong tinatapakang ibang tao at legal ang negosyo/hanapbuhay mo o ng pamilya mo, BE PROUD. Wag puro reklamo, tumulong ka.