29/09/2025
1Ang taong ayaw magbago ay hindi maliligtas;
ang hindi makinig ng payo ay mapapahamak.
2 Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya,
ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.
3 Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan. 4 Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman. 5 Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa,
nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda.
6 Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan,
ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.
7 Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap,
ngunit ito'y balewala sa mga taong swapang.
Mga Kawikaan 29
Magandang Balita Biblia