05/11/2025
Luzon Art Fair / Tarlac National Art Competition 2025 π’
β KURAPINAS: Anito ng Pag-asa, Nakagapos sa Kurapsyon β
Mixed Media Back to Back 3Way Lenticular Sculpture (Wood , Epoxy , Soil , Smoke Soot , Nails , Spray Paint , Acrylic , Varnish )
32.5 x 19.5 x 10 IN
2025
Ang aking gawa ay isang 3D lenticular na eskultura na nagsisilbing salamin ng katotohanang bumabalot sa ating lipunan ang malalim na sugat na dulot ng kurapsyon sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng anito, isang sinaunang sagisag ng pag-asa at paggabay, ipinapakita kung paanong ang mithiin ng bayan para sa kaunlaran ay nakagapos at pinahihirapan ng kasakiman ng mga tiwaling pulitiko at kontraktor.
Mula sa kaliwang tanaw, lumilitaw ang mga anino ng kurapsyon ang mga mapagkunwaring pinuno at kontraktor na nagpapanggap na naglilingkod, ngunit sa likod nito ay buwayang nagtatago ang tunay na pagkatao. Sa gitna naman, nakatindig ang watawat ng Pilipinas, sagisag ng dangal, pag-asa, at pagkakaisa ng sambayanan. Ang bawat pagbabago ng imahe ay sumasalamin sa panlilinlang at doble karang mukha ng mga nasa kapangyarihan.
Sa likod ng eskultura ay isang paalala at panawagan: wakasan ang kurapsyon upang maputol ang tanikala ng kahirapan. Sapagkat hanggaβt hindi natatapos ang laban kontra sa kasakiman, mananatiling nakagapos ang pag-asa ng bayan.
Querbyn ART Studio QUERBYN
Pinoy History γ γ γ