10/07/2026
Storytime ulet? Why not whahaha. Kung yung first story natin is about break-up, this time, asking for second chance naman. Fun fact, same color lang ng bouquet, but this time, budgetarian. ANO BANG MERON SA BLUE BOUQUET NA YAN HA? Eto na eto na... unfiltered to ha...
(June 26, 2025. 11:28 PM)
Client: Kuya. Magkano fuzzy flower yung pinakamura?
Me: (nag-offer ng mga budget friendly bouquet, nag-send ng pics and designs)
(client thinking...)
Client: Yung P*99 na lang. Pagawa ako. Kulay blue. Bukas ko kukunin if okay lang. Mga tanghali ko kukunin.
Me: Sa may simbahan po ulit, ma'am? ("Ulit", naka-order na kasi sya sakin, bale second order nya na to)
Client: (replied) oo
Me: Sige po, ma'am. Noted po ito! Update ko po kayo mamaya or tomorrow morning. Thank you po ulit!!!
Client: Sge salamat
---Fast forward (sinend ko na picture ng bouquet)
(June 27, 2025. 2:03 PM)
Me: Good afternoon po, ma'am! Okay na po ito. (with pic ng bouquet)
Client: sge wait ha. Chat ko
(Hindi pala sa kanya to, sa kaibigan nya pala)
Me: Sige po ma'am. Salamat po! Bale yung bouquet po is may FREE FAIRY LIGHTS at FREE BOUQUET BAG na rin po since repeat order po ito. ๐ฅฐ
Client: Ayy sge sge. Pawait na lang yung bayad di pa kase ol at nasa work.
Me: No problem po, ma'am. Thank you po!!!
Client: Salamat din
---Fast forward
Me: Good morning po, ma'am! Mga anong oras po ang deliver ng bouquet po?
Client: Mga tanghali kuya
Me: Sige po, ma'am. Noted po ito. Around 11:00-12:00 po, ma'am. Dun po ulit sa simbahan. Thank you po!
Client: Kuya dito na lang bayad binigau na sakin. Kuya nagawa kaba ng letter daw๐ฅฒ
Me: (replied) Pwede naman po. Ano pong isusulat?
Client: Wait. Hi love! Sana mapatawad moko sa mga ginawa kong mali sorry hindi ko inisip yung mararamdaman mo sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance babaguhin ko sarili ko hindi ko kayang mawala ka sakin ikaw yung dahilan kung bat andito ako ngaun sana hayaan mo akong makabawi sayo sa lahat ng pagkukulang ko. Miss na kita love sana mapatawad moko. Ayan kuya. Sensya na broken kase yan kuya๐ฅฒ๐
Me: Sige po, ma'am. Isusulat ko na po ito.
Client: Kuya padagdag na lang if ever na may idadagdah ka
Me: (replied) Okay na yun ma'am. No worries po.
Client: Salamattt
(June 28, 2025. 1:47 PM. TRANSACTION COMPLETED. Kumusta na kaya sila? Nagkabalikan kaya? Whahahaha. Kung ikaw bibigyan ng bouquet, bibigyan mo rin ba ng second chance? Hmmm. Now I know kung bakit blue yung madalas bilhin na kulay. Not just because panlalaki yung kulay but because this color means hope and forgiveness. Drama na naman yan. Oh sya tama na. Madami pa akong gagawin. Ikaw? Bat andito ka pa? Binasa mo talaga hanggang dulo? GRABE KA! SALAMAT HA! Oa. Til our next story time! May God bless us all! ๐ซถ๐ป๐ค๐ป