04/01/2023
MAHAL MAGMAHAL: A KURIPOTโS GUIDE TO VALENTINEโS DAY
Tag mo na si Jowa at send mo tong link sa kanya, DASURV mo yan๐
๐คฃ๐ฅณ >> www.ClarksGarden.com
Php 2,500 โ Bumili ka ng bulaklak. Kahit ayaw niya, bilhan mo pa din. Lalo na kung sa opisina ay alam nilang may boyfriend siya. Aaminin ko. Likas na inggitera ang mga babae. At parang kabawasan sa pagkababae namin yung lahat mayroon at kami lang ang wala. Isa pa, mabisa itong pambugaw ng mga umaaligid na may masamang balak sumalisi sa girlfriend mo.
Php 500 โ Ganun ata talaga. Kahit saan naman e. Tsokolateโt bulaklak ang sikat. Combo meal kumbaga. Pero ito ang totoo. Yang tsokolateโt bulaklak e bare essentials pa lang yan. Kumbaga, kanin pa lang. Wala pang ulam. Kung mag-aabot ka lang ng chower (chocolate+flower), makakatanggap ka ng thank you pero isa ka lang sa milyun-milyong lalaki sa mundo na iyan din ang ginawa. Kaya kailangan may edge ka. May gimik! Yung chocolates mo, ikorte mong bouquet at ipadeliver via singing telegram sa opisina niya. O kaya isabit mo ang higanteng flower arrangement na nagsspell ng: โI love you, sweet tooth!โ sa sandamakmak na lobo at paliparin mo sa gitna ng soccer field. Para mamatay sa inggit ang ibang girls habang hinahampas ang mga bf nila na matalim ang tingin sa iyo. Gimik ang susi. Kung ayaw mo naman, edi bumili ka ng dagdag na regalo. Creativity goes a long way.
Php 500 โ Diamonds are forever. Pero dahil di niyo naman anniversary unless Valentineโs kayo nagpakasal, pwede na kahit sa Unisilver ka lang bumili. Tapos pa-engrave mo yung pet name mo sa kanya. Yun nga lang, may kasamang kahihiyan kung tipong ang tawagan niyo ay rocky face at trouble dutch, paumbong at cane vinegar, choc-nut at sundot kulangot, o peanut at brittle. Wag ka mag-alala kuya. Maaalala naman niya yang niregalo mo. Kahit na pag nagustuhan niya ay di mo na makikitang sinusuot niya. Ibig sabihin lang nun, ayaw niyang ma-snatch yan o kaya baduy yung style. Kaya naman iwas-iwasan ang mga hugis bungo o kaya e dog tag na makapal ang kadena. Girlfriend mo siya. Di siya berdugong pangkista.
Php 500 โ Siyempre pag nag-date kayo, kakain kayo. Ikaw ang taya kasi ikaw ang nag-aya. Yun ang ruling. Iwasan ang pagde-date sa fast food. Lalo na kung kayo yung tipong magkadugtong ang balakang. Kasi halatang couple kayo at halatang makunat ka. Maraming promo ang mga resto kaya pumili ka na ngayon pa lang.
Send mo tong link kay jowa >> www.ClarksGarden.com
Sendan din kita ng 100 sa GCash kung binilhan ka ni jowa. Mag selfie lang with the flowers at e-tag ang page namin. ๐๐๐