tahi tahi lang

tahi tahi lang Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from tahi tahi lang, Arts & Crafts Store, Marikina City.

unang likha para sa isang taong puno ng paglalakbay sa piling ng araw, dagat, at mga bundok🌀 bitbit 🌀pinagtagping telali...
06/01/2026

unang likha para sa isang taong puno ng paglalakbay sa piling ng araw, dagat, at mga bundok

🌀 bitbit 🌀
pinagtagping tela
likhang-kamay
14" x 11.75"
PHP 999

4 out of 5 available

mga islang sisidlan🪨🐚🤲🏽likhang kamay para sa luneta art fair 2025pebrero 1 - 210 am - 8 pmnoli me tangere garden, rizal ...
31/01/2025

mga islang sisidlan

🪨🐚🤲🏽

likhang kamay para sa
luneta art fair 2025

pebrero 1 - 2
10 am - 8 pm
noli me tangere garden, rizal park

☁️ kung may nararamdaman kayonng koneksyon sa anumang piyesa, mag-comment lang at sunduin ito sa aming booth ( #9 katabi ng tm kalaw parking)

happy first bltx latag ng tahi tahi lang & dikit dikit lang! 🪡✂️✨maraming salamat sa pagkamusta, pagyakap, at pagsuporta...
15/08/2024

happy first bltx latag ng tahi tahi lang & dikit dikit lang! 🪡✂️✨

maraming salamat sa pagkamusta, pagyakap, at pagsuporta sa amin 🤎 salamat sa mga nag-uwi ng aming prints, zines, notebooks, matchboxes, at iba pang mga likha 🤲🏽🌈 salamat sa mabubuti at masisipag nating organizers na sina makò micro-press, gantala press, magpies press, at studio soup zine library ☕️📚 salamat sa lahat ng kasamang bumubuhay sa kultura ng pakikipag-ugnayan, pakikibahagi, at pakikipagtulungan ☀️🌿 salamat sa mga kaibigan, munting espasyo, at karanasang nagbibigay ng rason para sa patuloy na paglikha ng better living for all! 👩🏽‍🌾👷🏽🧕🏽

–t&d

mula sa mga pinagtagping tela, hanggang sa mga hinulmang kuwintas; salamat sa inyong suporta sa aking mga likha n - n 🌳🧵...
09/05/2024

mula sa mga pinagtagping tela, hanggang sa mga hinulmang kuwintas; salamat sa inyong suporta sa aking mga likha n - n 🌳🧵✨

tinatahi ko na lang ang mga natitirang order at ipapadala ito sa inyo bago matapos ang hunyo 🌞

.。⁕°.*.。・゚゚・︵‿︵‿︵‿・゚゚・。.*.°⁕。.1. hintayin ang dapit-hapon2. ilagay ang kuwintas sa tapat mo at ng iyong kasama3. pagmasd...
19/04/2024

.。⁕°.*.。・゚゚・︵‿︵‿︵‿・゚゚・。.*.°⁕。.
1. hintayin ang dapit-hapon
2. ilagay ang kuwintas sa tapat mo at ng iyong kasama
3. pagmasdan ang araw sa mata ng isa't isa

.。⁕°.*.。・゚゚・︵‿︵‿︵‿・゚゚・。.*.°⁕。.1. umupo sa tabi ng puno2. ilagay ang kuwintas sa iyong dibdib3. makinig, makinig, makinig
12/04/2024

.。⁕°.*.。・゚゚・︵‿︵‿︵‿・゚゚・。.*.°⁕。.
1. umupo sa tabi ng puno
2. ilagay ang kuwintas sa iyong dibdib
3. makinig, makinig, makinig

.。⁕°.*.。・゚゚・︵‿︵‿︵‿・゚゚・。.*.°⁕。.1. humanap ng anyong-tubig2. ilagay ang kuwintas sa iyong likuran3. sabayan ng malalim na ...
06/04/2024

.。⁕°.*.。・゚゚・︵‿︵‿︵‿・゚゚・。.*.°⁕。.

1. humanap ng anyong-tubig
2. ilagay ang kuwintas sa iyong likuran
3. sabayan ng malalim na paghinga ang pagdaloy nito

sa pagitan ng ilang buwang pananahi ng tela, naisipan kong gamitin ang sumobrang luwad mula sa mga nakaraang proyekto.da...
31/03/2024

sa pagitan ng ilang buwang pananahi ng tela, naisipan kong gamitin ang sumobrang luwad mula sa mga nakaraang proyekto.

dama ng kamay ang kapansin-pansing paglipat mula sa maliliit na karayom at aspili, patungo sa makakapal na kagamitang panlilok; mula sa magaang kamay na kailangan sa pananahi, patungo sa mabigat na kamay na kailangan sa pagmasa.

sa kalaunan, unti-unting nabuo ang pagtingin sa parehong luwad at tela bilang mapagpatawad na materyal sa paglikha. na kung gaano tayo pinapatawad ng mga ito sa tuwing nagkakamali tayo ng hulma, tusok, pisil, gupit, o ukit; ganun din sana ang nilalaan nating pasensya sa ating mga sarili.

kung gayon, bawat proyekto ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong alalahanin na ang proseso ng paglikha ay isang mabibiyayang karanasan, lalo na kung dahan-dahan ang paglalakabay nito.

maraming salamat sa mainit niyong pagyakap sa aking mga likhang-kamay 🤲🏽masayang-masaya ako na binigyan niyo ito ng munt...
27/03/2024

maraming salamat sa mainit niyong pagyakap sa aking mga likhang-kamay 🤲🏽

masayang-masaya ako na binigyan niyo ito ng munting espasyo sa inyong mga puso 🤍

magpapatuloy ang pagpapadala ng mga kuwintas at pinagtagping tela pagkatapos ng mahal na araw 🌿

hinulmang kuwintassa gabay ng lupa, tubig, at apoylikhang-kamay2" x 2"888 ang bawat isa 🤎 maaari tayong magkita sa dilim...
24/03/2024

hinulmang kuwintas
sa gabay ng lupa, tubig, at apoy
likhang-kamay
2" x 2"

888 ang bawat isa 🤎 maaari tayong magkita sa diliman o ipadala ito sa courier 📦 kung may naramdaman kayong koneksyon sa anumang piyesa mag-comment lang (halimbawa: dagat 1) at papadalan ko kayo ng mensahe 🐦

mga kaibigan,maraming salamat sa pagsuporta sa aking mga likha 🤍unti-unti na akong nagpapadala ng mensahe sa pangatlong ...
21/03/2024

mga kaibigan,

maraming salamat sa pagsuporta sa aking mga likha 🤍

unti-unti na akong nagpapadala ng mensahe sa pangatlong batch ng mga nagpatabi ng pinagtagping tela 🧵

kung nakita niyo sa stories o pasilip sa nakaraang post, may mga kuwintas din akong nilikha sa pagitan ng pananahi, paggupit, at pagplantsa ng tela ☁️

abangan ang buong koleksyon sa 3.24.24 🌊

t

Address

Marikina City
1807

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when tahi tahi lang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share