21/09/2025
Ilang dekada na ang lumipas, naging biktima tayo ng sistematikong korapsyon na patuloy na nagpapabagal sa pag-unlad ng bayan. Bawat isa sa atin ay dapat makialam at suriin ang mga usaping panlipunan.
Hindi dapat basehan ang kulay—mapa-pula, berde, dilaw, o kulay rosas. Ito ay laban ng bayan, hindi laban ng pamilya na iyong sinasamba at hinahalikan ang puwetan. Ito ay sigaw ng bayan, hindi sigaw para pauwiin ang sinumang "tatay" ng iilan.
Panagutin sila at tiyakin ang due process ay patas para sa lahat. Due process na pinagkait ng matagal sa lipunan ng mismong mga tao na naging sangkap sa paglaganap ng katiwalian. ✊🏻