20/02/2026
π
Panginoon,
Ikaw na nakakakita ng puso koβ
Ikaw na nakakaalam ng nararamdaman kong hindi ko pa masabi.
Kung ang damdaming ito ay mula sa Iyo,
bigyan Mo ako ng kapayapaan, hindi kalituhan,
Kung hindi pa ito ang tamang panahon,
turuan Mo akong maghintay nang hindi nasasaktan.
Ingatan Mo ang puso ko
habang natututo akong magmahal nang may hangganan.
Huwag Mo akong hayaang kumapit sa haka-haka,
kundi sa katotohanang nagpapalaya.
Kung may taong inilalapit Mo sa buhay ko,
nawaβy malinaw ang kanyang layon
at tapat ang kanyang puso.
At kung wala pa,
ipaalala Mo sa akin na hindi ako nag-iisa.
Bigyan Mo ako ng tapang na maging totoo,
ng karunungan na maghintay,
at ng kapayapaang magtiwala sa Iyong oras. Amen