23/09/2026
•KOTONG UMANO SA BABY BUS? INGAY LANG BA NA WALANG BASEHAN? OH MAY KATOTOHANAN?,...KONSEHAL SJ NAZARENO, NAGPA-IMBESTIGA SA UMANO’Y PANININGIL SA MGA DRIVER!
PINAAALALAHANAN ANG LAHAT NA ANG MGA ITO AY DINIDINIG PA AT HINDI PA DAPAT AGAD HUSGAHAN.
₱40,000 MONTHLY PERMIT FEE AT QUEUEING COLLECTION, IPINANAWAGAN NG LINAWAN!
Umani ng atensyon ang isinagawang regular session ng Sangguniang Bayan ng Naic matapos ihayag ni Councilor SJ Nazareno ang formal appeal ng CAMIATRANSCO kaugnay ng umano’y paulit-ulit at hindi makatwirang paniningil ng permit fees at queueing collections sa Luntok, Timalan Balsahan at Hillsviews.
Ayon sa iniulat sa session, umaabot umano sa ₱40,000 kada buwan ang sinisingil na municipal fee para sa terminal. Bukod dito, inireklamo rin ang umano’y paniningil sa mga baby bus driver tuwing pumapasok at nagbababa ng mga pasahero.
Mas naging mainit ang usapin matapos banggitin sa reklamo at pagdinig ang ilang pangalan na sinasabing may kaugnayan umano sa naturang sistema. Ayon sa source na LAKING NAIC, kabilang sa mga pinangalanan sina Rolly Magbitang, Kap. Bernie Lopez at Robin Montero.
•Mahalagang tandaan: Ang mga paratang ay bahagi ng reklamong inilahad at hindi nangangahulugang napatunayan na ang mga ito. Ayon sa ulat, inimbitahan ang mga personalidad na pinangalanan upang magbigay ng kanilang panig sa pagdinig, ngunit hindi umano nakadalo.
•KUNG MAY PANININGIL, MAY RESIBO BA? KUNG MAY BAYARIN, MAY LEGAL NA BASEHAN BA? SINO ANG DAPAT MANAGOT KUNG MAY ILEGAL NA SINGIL?
Abangan ang magiging kasunod ng imbestigasyon at ang panig ng lahat ng sangkot.
• NAIC, CAVITE 📰 Source: LAKING NAIC