17/11/2025
PALUAN AGRICULTURIST EXTENSION WORKERS PRESENT: Tatak at Tatag ng Kanlurang Mindoro; TATAK PALUAN (MARIA CAPRA PALUAÑA, MT. CALAVITE, UOK, PASTILLAS AT AROS)
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Sir Rolando Quinones para sa paglikha ng napakagandang awiting "Lakas Paluanon", na siyang naging makapangyarihang pangwakas na bahagi ng ating sayaw. Ang himig na ito ay hindi lamang nagbigay buhay at kulay sa aming pagtatanghal kundi nagpakita rin ng matinding diwa at kultura ng ating Bayan.
Maraming, maraming salamat po, Sir Rolando, sa inyong pambihirang talento at husay na walang sawang ibinabahagi sa ating komunidad. Ang inyong kontribusyon ay tunay na yaman! Kudos po sa inyo at mabuhay ang sining!
Hindi rin po namin makakalimutan ang suporta at galing ng aming adviser sa Culture and Arts na si Sir Jay-ar Garcia Villas para sa paghahatid ng napakaganda at napakahusay na Narration ng ating presentasyon. Mula noon hanggang ngayon, nanatiling buo ang inyong suporta sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng ating Culture and Arts.
isang malaking pasasalamat din kay Dennis Cajayon para sa kahanga-hangang pag-voice over ng narration! Ang napagandang boses mo ay nagdagdag ng emosyon, diin, at lalim sa bawat salitang binitawan, na lalong nagpa-antig, nagpaklaro, at nagpatingkad sa kuwento at mensahe ng ating pagtatanghal.
Kriz Castle Ethnic Costume, Back drop, Props (Mt. Calavite, Pastillas, Aros at Uok), salamat kapatid sa napakahiwaga mong kamay. ❤️
Musical Editor: Master, Xelor Tolentino.
• Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong malawak na talino at karunungan na ibinabahagi ninyo upang lalong mapagyaman ang kaalaman at pagmamahal ng ating mga kababayan para sa ating Bayan.
Mula sa Bayang Babalik-balikan, Hayri ang Saya, PALUAN!