10/08/2026
IBAYONG PAG-IINGAT, MGA KAPS! π§οΈ
Sa panahon ng malakas na pag-at emergency, unahin natin ang kaligtasan ng sarili, pamilya, at komunidad. Narito ang ilang mahahalagang paalala:
β
MAGHANDA
I-charge ang cellphone at flashlight. Ihanda ang pagkain, malinis na tubig, gamot, importanteng dokumento, at iba pang emergency supplies.
β
MAKINIG SA MGA ABISO
Regular na makinig at sumubaybay sa mga anunsyo at babala mula sa inyong LGU at mga awtoridad.
β
SUMUNOD SA EVACUATION INSTRUCTIONS
Kung pinapayuhan nang lumikas, sundin agad ang mga tagubilin ng awtoridad. Dalhin ang mahahalagang gamit at pumunta sa itinakdang evacuation area.
β
MAG-INGAT SA MGA PANGANIB SA PALIGID
Lumayo sa naputol na kable ng kuryente, bumabagsak na sanga o puno, sirang poste at iba pang maaaring magdulot ng aksidente. Iwasan ding pumunta o tumawid sa mga bahang lugar.
β
IWASANG PUMALAOT KUNG DELIKADO ANG PANAHON
Kung may babala ng malakas na hangin, alon, o masamang panahon, huwag munang pumalaot. Ang kaligtasan ang laging unahin.
β
IPAGBIGAY-ALAM AGAD SA MGA AWTORIDAD
Kung may makita kayong aksidente, taong nangangailangan ng rescue, nasirang imprastraktura, o anumang emergency na nangangailangan ng agarang aksyon, makipag-coordinate agad sa inyong LGU o kinauukulang awtoridad.
β
MAGDAMAYAN
Kumustahin ang pamilya, kapitbahay, at kapwa mangingisda, lalo na ang matatanda at mga nangangailangan ng tulong.
Mas mabuting maging handa at maingat kaysa malagay sa panganib.
Mag-ingat po tayong lahat, Kaps. Sa panahon ng sakuna, kaligtasan at pagtutulungan ang ating unahin. π€