14/11/2022
CREATED BY: RONA AMARO
HAPPY HALLOWEEN 🎃 SA INYO!
Sa kilay makikita palang natin, siya'y nahihirapan, bakit nga ba walang mata at bibig? dahil tayong mga tao ay mahilig itago ang ating tunay nararamdaman dahil ang mata ang basehan nila di natin pinapakita sa kanila na tayo'y umiiyak, hindi natin sinasabi ang totoong nararamdaman natin bagkus sinasabi lamang na "okay lang ako".
Madilim sa kanyang paligid dahil pakiramdam niya siya'y nag-iisa na lamang ngunit siya'y hindi susuko, ang kanyang kaliwang kanang kamay na kamao na ibig-sabihin hindi susuko kahit siya'y nalulungkot at nag-iisa
Bakit nga ba May baloons? Dahil ang kahulugan nito ay inspirasyon, dito magsisimula ang lahat upang ika'y may dahilang lumaban. Inspiration, dito tayo kumakapit para tuparin ang ating mga pangarap at makita ang liwanag ng pag-asa, hawak ang baloons upang ika'y hilain pataas sapagkat maraming balakit na hihilahin ka pababa.
Madaming kamay na kumakapit sa kanya na ang ibig sabihin siya'y hinahadlangan ng problema at maging sa tao rin at maging mga masasamang espiritu, ngunit ang kanyang kamay pilit pa ring inaabot ang tagumpay ng isang bituin o liwanag at may suot na telang p**a sa kanyang noo na ang ibig sabihin ay nakikipag-karerahan.
Ang liwanag ay pag-asa, ang liwanag ay Diyos na siyang gagabay sa iyo at mahiha-halintulad ko rin sa isang bituin na nagniningning, inaabot ang pangarap at balang araw ay mananalo sa laban mula sa hamon ng buhay.