03/08/2023
"Kaibigan ba talaga o pinapakisamahan lang pala?"
SKL. It was days ago, tahimik akong nagwowork katabi yung asawa ko and all of a sudden biglang may pumasok sa thought ko na sobrang random.
It was something like this.
"Yung mga tinuturing kong totoong kaibigan all my life, kaibigan ba talaga nila ako o pinapakisamahan lang pala nila ako?"
Sobrang random na nung una natatawa pa ko sa sarili ko, pero nung hinayaan kong magstay ng ilang minuto yung thought na yun I began to slowly believe na baka nga pinakikisamahan lang nila ako.
Then I began to question kung sa perspective ng mga tinuturing kong tropa, kaibigan, "beshy" haha ay kaibigan nila talaga ako.
Now, gaya ng sabi ko sobrang random thought lang ito, and it made me really sad to a point na ang lungkot ko sa loob, kasi naquestion ko na yung worth ko as a friend at nagjump na ako sa conclusion na "Ahh edi kung hindi pala talaga nila ako kaibigan edi okay lang." Pero ang lungkot.
Kahit may nararamdamang lungkot, I chose not to say it kay Ate Jai niyo kasi baka ma-offend ko siya bigla dito sa random thought na ito at pag tinanong ko sa kanya na, "Love, nung magkaibigan ba tayo dati, kaibigan mo ba talaga ako o pinakisamahan mo lang?" So di ko na lang sinabi, haha at pinatay ko na lang yung thought, at the moment at nanatili na lang siya sa utak ko.
Then kinabukasan, sobrang random din tumawag yung isa kong friend. Long story short he began to share his current problems, kumbaga gusto niya lang mag express at maglabas ng thoughts at sama ng loob sa nangyayari sa kanya sa life.
As a friend, I adviced Him na trust in the Lord, na talagang need niya isurrender itong challenge na ito kay God kasi Siya lang talaga makakatulong sa kanya sa sitwasyong ito.
He agreed and thanked me for what i said.
Then there was silence, on call pa rin pero dahil parehas kaming may ginagawa that time so tahimik lang.
In that quiet moment, pumasok nanaman sa isip ko yung naisip ko kahapon, at sa utak ko, a baka yun lang need ng friend ko sakin, or baka ganun lang talaga ako sa mga nagiging kaibigan ko, dahil kailangan lang nila. So okay lang.
Habang iniisip ko to at the same moment nalulungkot ulit bigla siyang nagsabi, "Eh ikaw Jah? Baka may gusto ka rin ishare"
Nagulat ako sa tanong niya and though wala naman talaga akong current na pinagdadaanan na malala wala akong masagot. And then I saw na concerned lang din siya kasi gaya ng ginawa ko sa kanya before, hinuhukay niya rin ako para magkwento.
So I became honest and told him that I was having a thought regarding sa friendship. Ako din mismo biglang napashare, kahit random, kahit alam ko na parang pang "highschool" ang topic na to at dapat sa mas malalalim na pinaguusapan namin. Pero after sharing, i felt free.
Nawala yung thought na kinuquestion ko yung mga kaibigan ko and I believe that I know random na biglang tumawag friend ko at nagusap kami, i believe na si God ang nagset ng time na yun at in a way it was His answer to me kahit hindi ko pa talaga ito pinagpepray.
Lastly, I realized na it was a lie from the enemy. Na nacaught of guard lang ako kasi unexpected. It was a lie kasi after talking to my friend, I realized na may kanya kanya naman na kaming buhay pero that doesn't mean na hindi na kami magkakaibigan dahil iba't iba na kami ng season.
At yung thought na "pinakikisamahan lang pala nila ako" hindi totoo, kasi di nila ako sasamahan dati pa hanggang sa mga naging milestone ko sa buhay kung di nila ako kaibigan. Na hindi sila magsasacrifice ng part ng life nila para magspend lang ng time sa akin. Kaibigan ko sila. Di ko na rin dapat hingiin ang validation sa kanila.
Thank God na niremind Niya ako na kahit umabot na ako sa point na kinuquestion ko na mga naging kibigan ko, alam kong kaibigan ko si Lord at secured naman ako sa Kanya.
At thank God din kasi sa mga tinuturing kong kaibigan, di na nila kailangan pang patunayan na kaibigan talaga nila ako, kasi ramdam ko kahit malayo at malapit na mahal namin ang isa't-isa.
Yeah I know, sounds corny but paalala na Jesus himself took Friendship seriously.
So serious that He had to give up his Life for our sins na nagseparate sa atin sa Diyos and rose up from the grave para magmake ng way para sa mga maniniwala na sa Kanya at para maging kaibigan tayo ng Panginoon at mabuhay kasama Siya at ng mga naging kaibigan din natin sa mundo na naniniwala sa Kanya.
From Kailgtasan to Kaibigan. Galing ni Lord no? ✨
Bes, Paalala lang na yung "Friendship talk" may sound cheesy pag pinag-uusapan pero totoong kailangan natin yan. Kailangan natin ng mga totoong kaibigan na hindi tayo lang "pakikisamahan" kundi kaibigan na willing magsacrifice ng time and effort and love para sa'tin at para malead ka pa lalo kay Jesus.
"My command is this: Love each other as I have loved you.
Greater love has no one than this: to lay down one’s life for one’s friends.
You are my friends if you do what I command.
I no longer call you servants, because a servant does not know his master’s business.
Instead, I have called you friends, for everything that I learned from my Father I have made known to you. You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go and bear fruit—fruit that will last—and so that whatever you ask in my name the Father will give you.
This is my command: Love each other." John 15:12-17
-----
For more paalalas, Read your Bible.✨
----
(- Sa mga kaibigan ko na nakafollow sa page na to, sorry na agad na pag-isipan ko ng masama yung pakikipagkaibigan niyo sa akin, i listened to a lie and I know it was a wrong thing to do. Alam kong totoo kayo kahit tatawanan niyo tong post na to 🤣, kasi ang korni ko. Mahal ko kayo a di yun nagbago, dito lang ako and huwag kayong mahihiyang i-chat ako, huwag din kayo magugulat kung ako magchat sa inyo. Haha!)
- And sayo na tumawag nang random sakin para matutunan ko ang paalalang ito, salamat bro! Answered prayer ka and I pray na marami ka rin malead kay Jesus sa circle of friend mo. Your sensitivity to people is a gift. Salamat for
- And to my wife, my bestfriend. Thank you! ♥️ Dahil nung sinabi ko ito sa'yo narebuke din ako agad kasi di mo ako papakasalan kung hindi mo ako tunay na kaibigan 🥹✨♥️ (Dami ko kwento, hugas na lang ko plato 😂, 🤭🤭♥️♥️)
---
Nakakamiss mag vulnerabilitytime! ✨✨✨✨