22/06/2026
Ang pagkilala sa identidad ay pagkilala sa pagkatao. ๐ณ๏ธโโง๏ธ๐ณ๏ธโ๐
Ang LEGAL GENDER RECOGNITION ay ang proseso kung saan kinikilala ng batas ang gender identity ng isang tao, kabilang na rito ang pagbabago ng pangalan at gender marker sa opisyal at legal na mga dokumento.
Sa Pilipinas, walang malinaw na batas para sa gender recognition
Sa kasong ๐๐ข๐ฅ๐ฏ๐๐ซ๐ข๐จ ๐ฏ. ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐, hindi pinayagan ng Korte Suprema ang pagbabago ng pangalan at gender marker ng isang transgender woman na sumailalim ng gender-affirming surgery, dahil ayon sa Korte, walang batas na nagpapahintulot sa pagbabago ng kasarian sa birth certificate base lamang sa operasyon.
Sa kasong ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ฏ. ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ก๐๐ง, pinayagan naman ng Korte Suprema ang pagpapalit ng pangalan (mula Jennifer tungong Jeff) at gender marker (mula female tungong male) sa birth certificate ng isang inters*x person.
Ayon sa ginawang policy review ng United Nations Development Programme at Commission on Human Rights ukol sa Legal Gender Recognition in the Philippines, isa sa mga pangunahing suliranin ang patuloy na pagkalito sa pagitan ng s*x at gender, na nagiging dahilan ng kakulangan ng malinaw na mga polisiya para sa transgender people. Dahil dito, nananatiling limitado ang legal na proteksyon laban sa diskriminasyon. Sa kabuuan, nagreresulta ito sa isang sistemang hindi ganap na natutugunan o kinikilala ang tunay na karanasan at pangangailangan ng LGBTQIA+ Filipinos.
Kapag walang legal gender recognition, nagkakaroon ng hindi pagkakatugma sa pagitan ng ID at tunay na identidad ng isang tao. Dahil dito, nahihirapan ang ilan sa pagkuha ng trabaho, pagbiyahe, at pag-akses sa iba't ibang serbisyo. Mas nagiging lantad din sila sa harassment at diskriminasyon sa ibaโt ibang espasyo. Para sa ilan, ang simpleng pagpapakilala ng sarili, gamit ang kanilang pangalan at identidad, ay nagiging isang panganib sa halip na karaniwang karanasan lamang.
Upang matugunan ang mga isyung ito, kinakailangan ang isang batas na magbibigay ng malinaw at accessible na proseso para sa legal gender recognition. Mahalaga rin ang pagpapatupad ng inclusive na anti-discrimination policies upang matiyak ang pantay na proteksyon para sa lahat. Higit sa lahat, kailangan ng sistemang simple, abot-kaya, at may malinaw na gabay upang tunay na makilala at maprotektahan ang bawat identidad.
Ngayong Pride Month, ating alalahanin na ang pagkilala sa identidad ay hindi pribilehiyo โ ito ay karapatan.