03/09/2026
SA ORAS NG PANGANGAILANGAN, DAPAT MAY BOSES KA.
Pumasa na sa Committee on Health ang House Bill No. 9065 o Right to Care Act, na isinulong ni Cong. Ryan Santos Recto. Layunin nitong palakasin ang patient autonomy ang karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng boses sa sariling pangangalagang medikal at matukoy kung sino ang taong pinagkakatiwalaan nilang tumulong sa pagdedesisyon kapag hindi na nila ito kayang gawin.
Sa ganitong paraan, mas nagiging malinaw kung ano ang nais ng isang pasyente at kung sino ang maaaring kumatawan sa kanyang kagustuhan sa oras ng pangangailangan. Mas malinaw na desisyon. Mas maayos na proseso. Mas nirerespeto ang boses ng pasyente.