14/07/2026
Good afternoon, everyone! ❤️
Sa lahat po ng nagme-message kung kailan kami babalik sa Tagas Boulevard, maraming salamat po. Hindi po ninyo alam kung gaano kalaki ang naging epekto ng bawat mensahe ninyo sa amin.
Sa loob ng halos dalawang linggo na hindi kami nakapag-operate, marami kaming pinag-isipan. Hindi po lingid sa kaalaman ng lahat na matindi na ang kompetisyon sa Boulevard. Marami nang nag-titinda ng ₱38 at ₱59 na may ulam at unli rice.
Bilang isang maliit na negosyo, aminado kaming hindi madaling makipagsabayan sa ganitong presyuhan. Sa taas ng halaga ng mga sangkap at iba pang gastusin, maaari kaming magbaba ng presyo—pero kapalit naman nito ang kalidad ng pagkain na ipinagmamalaki namin.
At iyon ang isang bagay na hinding-hindi namin isasakripisyo.
Kaya kung may isang bagay na hindi magbabago sa Cupzilla, iyon ay ang aming commitment na maghatid ng masarap, de-kalidad, at sulit na pagkain.
Habang pansamantala kaming wala, napagtanto namin na hindi lang pala pagkain ang ibinibigay namin. Nabasa namin ang napakaraming mensahe ng mga customer na nagtatanong kung kailan kami babalik. Doon namin na-realize na may mga taong naghahanap at naghihintay pa rin sa Cupzilla.
Kayo ang naging dahilan kung bakit pinili naming bumalik.
Hindi kami babalik para makipagsabayan sa pababaan ng presyo. Babalik kami para sa mga taong naniniwala na ang kalidad, lasa, at maayos na serbisyo ay may halaga.
At para sa mga matagal nang nagtatanong...
Opo, ibabalik na rin namin ang paborito ninyong "Pulutan ni Papa" 😉
Kaya simula ngayon...
Open na ulit ang Cupzilla sa Tagas Boulevard🎉🍱 (Mobile foodcart)
At hindi lang iyon—may dalawa pa kaming bagong locations na paparating. Abangan ang aming official announcement sa mga susunod na araw. 🙏
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Hindi man kami ang pinakamura, sisiguraduhin naming sulit ang bawat pisong ibinabayad ninyo.
Quality over quantity. Quality over price.
Kita-kits sa Cupzilla! 🔥🍱🥢
50 shares
50 ♥️
Announce na namin ang 2 bagong location ng cupzilla na pwede niyong puntahan 😉