02/06/2026
💐 Sa mga kapwa ko crafter na medyo matumal ang bentahan ngayon, normal lang po ’yan. 🤍
Tapos na kasi ang isa sa pinakamalalaking seasons natin—Mother’s Day. Kaya huwag kayong mabahala kung konti ang inquiries, konti ang orders, o minsan wala talagang pumapasok.
Ganito talaga ang business. May peak season at may slow season. 🌿
Instead na ma-stress, isipin niyo na lang na ito muna ang pagkakataon para:
✨ Magpahinga
✨ Mag-restock ng materials
✨ Mag-practice ng bagong designs
✨ Mag-create ng content
✨ Maghanda para sa susunod na season
At maniwala kayo, hindi rin magtatagal ang pahinga natin. 😭
Father’s Day, Teacher’s Day, graduation season, Christmas season, Valentine’s season—sunod-sunod na naman ’yan. Kapag dumating na ulit ang peak season, baka mamiss niyo pa itong mga araw na wala masyadong ginagawa. 😂💐
Kaya relax lang, mga ka-crafter. Hindi porket matumal ngayon ay tapos na. Minsan, ang slow season ay preparation lang para sa mas malaking blessing na paparating. 🤍✨