02/08/2026
Sta. Catalina de Alejandria
Isang obra ng pananampalataya at sining, maingat na ginupit sa tradisyunal na Borlas de Pastillas. Ipinapakita sa disenyong ito si Sta. Catalina de Alejandria, kilala bilang huwaran ng karunungan, katatagan ng pananampalataya, at katapangan sa gitna ng mga pagsubok.
Bawat hiwa ng papel ay sumasalamin sa dedikasyon sa ating kultura at sa pagmamahal sa mga banal na nagbibigay-inspirasyon sa ating buhay.
Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa sining ng Borlas de Pastillas. Nawa'y maging paalala ang obrang ito ng lakas ng pananampalataya at pag-asa.