05/06/2026
Bilao foods talaga kami since pandemic .Ang purpose kaya kami kumuha nang pwesto sa karuhatan road para maging legit at may pick up place ang mga oorder kasi andaming scammer sa online world.Oo nga pala ,galing kami probinsya ,pero 2 years na kami dito sa Valenzuela .
Mahirap at nag back to zero talaga kami habang nilalabanan ang lahat ng struggle sa buhay .Pumasok akong dishwasher sa dalandanan pero di nagtagal naging cook ndin sa isang korean resto, samantalang dati may dishwasher ako sa probinsya 🥹.Naisip ko lang na kapag gusto mo talaga ang ginagawa mo ,love mong magbigay ng service sa mga taong umaapreciate nang ginagawa nyo,hindi mo mararamdaman ang hiya,takot at pagod.☺️
Maraming salamat sa mga tiwala nyo sa amin mula sa aking puso ,sa mga bilao orders, empanada orders ,lapitin din ako ng mga customer na teachers,sa mga biglaang order na napakalalaki .Naniniwala ako na si Lord lahat un,sya nagbibigay sa akin ng customer . ❤️
Ung empanda business natin ay patuloy na ngbibigay ng pamatid gutom ,sana ay huwag kayo mgsawa ☺️ .Araw araw ay sinisipagan namin gumawa,sana dumami pa .
Gusto ko lang mging grateful at thankful sa mga hindi ko kakilala pero nging kaibigan ko nadin dito sa valenzuela ☺️
- mommy ni Carl & Claire