18/07/2025
2years experience Vs. Day 1
As crochet artist na sinubukan din Ang ibang handmade products. Sobrang saya sa feelings na na experience mo Yung bagay na Hindi mo ginagawa noon dahil kesyo mahiyain ka at Hindi ka sanay makipag usap sa tao dahil Hindi ka marunong sa communication.
Minsan umabot din sa failures Yung mga products mo tapos Hindi umabot sa expectations ng tao, umabot din Ako sa Punto na nahihiya na'ko sa sarili ko dahil paulit ulit na nagyayari sa pagkakamali ,Hanggang sa narealize ko na kung susuko Ako, para saan ba?. Kung susubukan ko- ano Ang resulta.
Yung tipong Ang panget Ng gawa mo, na kahit sarili mo Hindi Rin na satisfied as creator Ng order. Panget pa sa umpisa Ang wrapping, tapos Masaya kahit konti lang Yung paninda at kumita sa Isang Araw na nag pa survive saamen Ng anak ko. Thankful din Ako sa mga tao na nagtitiwala at sumusuporta din saaken.
Umulan ,umaraw o bumagyo nag papatuloy parin kame, nakilala Ako bilang crochet artist dito sa Lugar namin Hanggang naging permanent member na.
Hindi din Ako satisfied sa naging table set up ko noon haha, kaya Hanggang Ngayon talagang inaalam ko pa! For best attention Ng mga tao.
Nung una latag lang kame Ng kumot sa kalsada Hanggang umabot sa may tent na at may table tapos may ilaw narin🥺🫶. Nakakaiyak kapag bumabagyo tipong tent mo tinatangay hahaha
Nung Nakita ko itong pictures namin , nakakaiyak Kase umabot kame Ng ilang taon at nasurvive namin Ang panahon.
Hindi porket panget Yung gawa mo, una sa lahat wag mo ikumpara Ang gawa mo sa iba. Trust yourself, subukan mo wag ka susuko. Try and try until you success.
So sa mga handmade artist or small business 🫶 kapag dinadown ka Ng iba, wag ka sumuko . Gawin mong inspiration at advice sa sarili ❤️🌸. Try lang Ng try Hanggang ma achieve mo Yung pangarap mo.
(Dun sa babae naging una Kong costumer at nagtiwala 🫶, thank you dahil pinakilig mo Ako sa unang Araw Kong pagtitinda sa d**e). Siya lang Yung naging costumer ko Nung Araw na 'yon🌸🫶.