05/11/2025
Full-time job, no pay, no incentives, no annual leaves, and no health benefits.
Ganyan ang pagiging nanay. Wala kang recognition, walang award na matatanggap. Noon, hindi ko pa masyadong naaappreciate lahat ng sakripisyo ng mga nanay.
Yung gawaing bahay na kailangan nilang tapusin kahit pagod na sila.
Yung pagpupuyat pag may sakit ang anak nila.
Yung pag-aalala kapag wala pa sa bahay yung isa.
Yung sama ng loob kasi sinasagot-sagot natin sila.
Hindi madali. Kung tutuusin, sobrang hirap. Mas mahirap pa kesa sa kahit anong trabaho sa mundo. Ginawa silang matatag ng Diyos para kayanin lahat ng pagsubok na darating kasi, kahit na oo nanay sila, tao din sila. Nanghihina, napapagod, nasasaktan, nawawalan ng gana, pero kinakaya nila. They deserve so much more than the recognition they get once a year.
Deserve nilang i-celebrate araw-araw. Deserve nilang mapasalamatan sa lahat ng bagay, maliit man yan o malaki. Deserve nila ang araw na ‘to. Walang tayo, kung wala sila.
Today, we honor the moms who raised us. You are seen and you are appreciated. Happy Mother’s Day.